^

Bansa

Cyber labs sa lahat ng public schools sa Taguig, kumpleto na!

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng prog­ramang moderni­sasyon ng edukasyon sa Taguig, sisimulan nang itayo bukas (Aug. 12) ang IT rooms “cyberlabs” sa pitong pampublikong eskwelahan sa iba’t ibang bahagi ng siyudad.

Dahil dito, makukum­pleto na ang proyektong cyberlab sa lahat ng 34 pampublikong eskwelahan sa Taguig.

Lubos ang kasiyahan ni Mayor Lani Cayetano na nakumpleto na rin ang lahat ng eskwelahan sa proyektong ito na kanyang sinimulan noon pang 2012.

“Alam natin kung ano ang halaga ng kaalaman sa IT sa panahon natin ngayon. Sa pangangailangan lang ng mga IT experts sa BGC, at sa magbubukas na deve­lopment sa FTI, sigurado na sa trabaho ang a­ting mga mag-aaral,” ani Mayor Lani.

Sisimulan na bukas ang mga cyberlabs sa mga paaralan ng Kapitan Eddie Reyes Ele­mentary School- Palar Annex, Dr. Artemio Natividad Elementary School, Eusebio C. Santos Elementary School, C. P. Tinga Elementary School, Maharlika Elementary School, Daanghari Ele­mentary School, at Bagong Tanyag Elementary School.

Kasama na sa curriculum ng siyudad ang paggamit ng cyberlabs para sa mga IT-related subjects. Dagdag pa ni Mayor Lani, kumpleto ang bawat cyberlab ng mabibilis na computers, kasama na ang monitor, CPU, keyboard, mouse at iba pang parapernalya.

May kasama rin itong projector at nakapaloob sa airconditioned na kwarto. “Tayo ay tumaya at nag-invest dito sa a­ting cyberlabs. Pero hindi mababayaran ang taas ng kalidad ng edukas­yon at ang kinabukasan na kaagapay nito,” ani Mayor Lani.

Ang ilan sa mga IT programs na ibinibigay ng lungsod ay ang mga sumusunod: web design, personal computer operations, hardware troubleshoo­ting, computer prog­ramming, digital arts, animation, photoshop, graphics design, web programming at digital movie making.

Kasama ng lokal na pamahalaan sa proyektong ito ang Computer Assisted Learning (CAL).

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGONG TANYAG ELEMENTARY SCHOOL

COMPUTER ASSISTED LEARNING

DAANGHARI ELE

DR. ARTEMIO NATIVIDAD ELEMENTARY SCHOOL

EUSEBIO C

KAPITAN EDDIE REYES ELE

KASAMA

MAYOR LANI

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with