Hanna nagbabanta sa Batanes area
MANILA, Philippines - Patuloy na nagbabanta ang bagyong Hanna sa Batanes area.
Alas-11 ng umaga kahapon, si Hanna ay namataan ng PAGASA sa layong 825 kilometro silangan ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 165 kilometro bawat oras at pagbugso na umaabot sa 200 kph.
Si Hanna ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Bunga nito, nakataas ang Signal number 1 sa Batanes province kasama na ang Itbayat at Calayan Babuyan group of islands.
Inaasahang maganda na ang panahon sa Linggo sa buong bansa laluna sa Mindanao at Visayas pero may paminsan-minsan pa ring pag-ulan dahil sa intertropical convergence zone.
May mga pag-uulan din sa Luzon partikular sa Metro Manila dahil sa epekto ni Hanna sa habagat.
- Latest