^

Bansa

Wang Bo, ideport - DOJ

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinadedeport na ni Justice Secretary Leila de Lima ang Chinese gambling lord na si Wang Bo.

Sa resolution, tinukoy ni de Lima na wala siyang nakitang sapat na batayan sa apela ni Wang para baligtarin ang kanyang June 8, 2015 resolution na nagsasabing sapat na ang mga dokumentong iprinisinta ng Chinese Embassy para pagbatayan ng deportation ni Wang.

Kinonsidera ng DOJ ang pagkansela ng Peoples Republic of China sa pasaporte ni Wang at ang findings ng NBI sa alegasyon na sangkot si Wang sa isyu ng suhulan sa Kongreso para paboran ang isinusulong na Bangsamoro Basic Law.

Sa initial report ng NBI, wala umano silang nakitang ebidensya na magpapatunay na nanuhol si Wang ng mga opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration, pinondohan ang pagsusulong ng BBL sa Kamara, nagbigay siya ng kontribusyon sa Liberal Party o sa alinmang partido pulitikal at nagbigay ng pera para sa kampanya sa pagka­senador ni de Lima.

ACIRC

ANG

BANGSAMORO BASIC LAW

BUREAU OF IMMIGRATION

CHINESE EMBASSY

JUSTICE SECRETARY LEILA

KAMARA

KINONSIDERA

LIBERAL PARTY

PEOPLES REPUBLIC OF CHINA

WANG BO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with