US fast-attack submarine nasa Subic na
MANILA, Philippines – Dumating na ang Los Angeles class fast-attack submarine ng US na bahagi ng Western Pacific deployment at isang US hospital ship sa Subic Bay, Zambales.
Sa press statement ng US Embassy na ipinadala sa Defense Press Corps, ang USS Chicago (SSN -721) submarine ay dumating sa Subic Bay kamakalawa.
Samantala ang USNS Mercy, ang hospital ship ay dumating naman sa Subic Bay kahapon para sa pagpapatuloy ng humanitarian, medical, veterinary, civic mission at iba pa sa ilalim ng Pacific Partnership 2015.
Ang USS Chicago ay binubuo ng 170 sailors na magsasagawa ng samutsaring misyon upang ipakita ang kapabilidad ng submarine fleet.
Ang USS Chicago na ang base ay sa Guam na sumusukat ng 360 talampakang haba at tumitimbang ng 7,000 tonelada kapag nakalubog sa tubig ay ang kauna-unahanng fast-attack submarine na itinayo upang mapalakas pa ang presensya at kapabilidad ng US Navy sa mga istratehikong aksyon.
Dumating na rin sa Subic Bay kahapon ang USNS Mercy para sa ikalawang bahagi ng Pacific Partnership Mission sa Pilipinas.
Magugunita na una nang nagsagawa ng humanitarian at medical mission sa Capiz ang USNS Mercy partikular na sa Roxas City.
- Latest