PWDs dapat automatic na benepisyaryo ng CCT
MANILA, Philippines – Inirekomenda ng isang kongresista na otomatikong gawing benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer (CCT) program ang lahat ng mga rehistradong Pilipino na may kapansanan.
Sa House resolution 2172 na inihain ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza, sinabi nito na makakatulong ang ganitong hakbang para mapabilis ang pagtulong sa mahihirap para makaahon sa kahirapan.
Giit pa ni Atienza, na ang mga may kapansanan umano o Persons With Disability (PWDs) ay isa sa mga sector na higit na kwalipikadong makatanggap ng benepisyo mula sa CCT.
Ito ay dahil sa pang matagalan ang pangangailangan sa gamot, therapy, rehabilitasyon at special education para sa mga ito.
Dahil dito kaya nanawagan si Atienza sa kanyang mga kasamahang kongresista na suportahan ang kanyang resolusyon dahil ang layunin nito ay naaayon sa magna carta for disabled persons na nag-aatas sa gobyerno para bigyan ng lubos na suporta ang mga PWDs.
- Latest