Opisyal ng One Dream sinubpoena ng DOJ
MANILA, Philippines – Ipinatatawag na ng Department of Justice ang mga opisyal ng One Dream Marketing networking company na inaakusahang sangkot sa investment scam. Kabilang sa pinadalhan ng subpoena para sa August 13 at September 1, 2015 hearings sina Arnel Gacer, President/CEO; Jobelle de Guzman, Vice President; Incorporators na sina: Ariel Gacer, Richard Ramos, Jay-Ar De Guzman; miyembro ng Management Team na sina Marlon De Guzman, Judith Itoh, Jun De Guzman, Lui De Guzman, Linda De Guzman at Joel De Guzman. Ang kasong syndicated estafa laban sa One Dream ay hahawakan ng panel of prosecutors na kinabibilangan nina Assistant State Prosecutor Susan Villanueva; Asst. State Prosecutor Rohaira Lao at Asst. State Prosecutor Mary Ann Parong. Ang nasabing hearing ay para lamang sa unang batch ng reklamo laban sa One Dream.
- Latest