BIR sarado na sa ITR filing sa email
MANILA, Philippines – Mula ngayong Agosto 2015 ay sarado na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagtanggap ng income tax returns filing sa pamamagitan ng email. Ito ay batay sa nakasaad sa isang memorandum order na ipinalabas ni BIR Chief Kim Henares dahilan sa napakaraming natatanggap ng ahensiya na invalid format ng BIR tax returns kasama na ang emails na walang attachments.
Sinasabing hindi sinusunod ng mga taxpayers ang pagkakasunod-sunod ng mga tanong sa BIR website na ito kaya nagiging invalid ang tax returns.
Dati binuksan ng BIR sa publiko ang eBIRForms email accounts para higit na mapabilis ang filing ng ITR at hindi na gumastos pa sa pamasahe at iwas hassle sa oras ang mga taxpayers pero dahil sa naturang problema ito ay hindi na ngayon bukas sa publiko.
Bunga nito, ang mga taxpayers na magpa-file ngayon ng ITR ay hindi na kailangang gamitin ang email bagkus ay dapat nang pumunta sa pinakamalapit na BIR office sa kanilang lugar.
- Latest