^

Bansa

3 NP members tatakbong VP

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magiging zona libre o “free zone” ang Nacionalista Party (NP) kapag nagdesisyon ang tatlo nilang miyembro na tumakbong bise presidente sa 2016.

Ayon kay Senator Cynthia Villar, magiging mahirap para sa NP kung magdesisyon sina Senators Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Alan Peter Cayetano at Antonio Trillanes IV na tumakbong bise presidente.

Tanging si Trillanes pa lamang sa tatlong senador ang nagdeklara ng tatakbong bise presidente samantalang si Cayetano na nag-aambisyong maging presidente ay nakakatanggap umano ng feelers para maging ka-tandem nina Sen. Grace Poe at Secretary Mar Roxas, samantalang si Marcos ay hindi pa nagdedeklara kung ano ang plano niya para sa 2016 bagaman at lumutang ang pangalan nito na posibleng maging running-mate ni Vice President Jejomar Binay.

“Para ngang marami sa kanila ang (tatakbong) vice president, so that would be the difficulty for us; sana kung isa lang from the NP, that would be easy,” ani Villar.

Kung hindi umano ma­pipigil ang tatlo at magdesisyon na pare-parehong tumakbong bise president sinabi ni Villar na “E si­guro kung hindi namin sila mapigil e ‘di zona libre.”

Tanging si Marcos lamang ang kabilang sa mga graduating senators sa 2016 samantalang sina Cayetano at Trillanes ay mananatili pa ring senador hanggang 2019.

ACIRC

ALAN PETER CAYETANO

ANG

ANTONIO TRILLANES

CAYETANO

GRACE POE

MARCOS JR.

NACIONALISTA PARTY

SECRETARY MAR ROXAS

SENATOR CYNTHIA VILLAR

SENATORS FERDINAND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with