Pagbuo ng bagong distrito sa Cebu aprub sa Senado
MANILA, Philippines – Pumasa na kahapon sa Senado ang panukalang batas na naglalayong magbuo ng isang karagdagang distrito sa probinsiya ng Cebu.
Ang panukala ay inihain nina Reps.Wilfredo Caminero, Benhur Salimbangon, Aileen Radaza at Gwendolyn Garcia.
Kapag tuluyang naging ganap na batas, magkakaroon ng seventh legislative district sa probinsiya ng Cebu.
Ang nasabing distrito ay bubuuin ng mga munisipalidad ng Dumanjug, Ronda, Alcantara, Moalboal, Badian, Alegria, Malabuyoc at Ginatilan.
Ang bagong distrito ay may populasyon na 200,092 base sa 2010 census ng Philippine Statistics Authority.
Ang mga munisipalidad ng Argao, Dalaguete, Alcoy, Boljoon, Oslob, Santander at Samboan ay mananatiling kabilang sa second legislative district ng probinsiya. Ang mga nabanggit na munisipalidad ay may pinagsamang populasyon na 223,360.
Sa ngayon ang Cebu na pang-lima sa pinakamaraming populasyon sa probinsiya ay may anim na distrito.
- Latest