^

Bansa

Salisi gang, mandurukot, bag slasher naglipana sa Visita Iglesia - PNP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang Philippine National Police (PNP) sa naglipanang mga salisi gang, mandurukot at bag sla­sher na nambibiktima sa loob at labas ng mga Simbahang Katoliko kaugnay ng Visita Iglesia ngayong Semana Santa.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., dapat mag-ingat ang mga deboto dahil hindi naman porke panahon ng kuwaresma ay magsisipagtika ang mga kriminal dahil wala ang mga itong pinipi­ling lugar sa paghahanap ng mga mabibiktima.

Sa rekord ng PNP, karaniwan ng tumataas ang mga insidente ng pandurukot, bag slashing at maging sa pagsalisi sa mga simbahan ng mga kawatan kaya mas makabubuting mag-ingat ang mga deboto.

Kabilang sa mahigpit na babantayan ang Minor Basilica de Nazareno sa Quiapo; Manila Cathedral sa Intramuros; St. Jude sa Mendiola; Our Lady of Loreto at Saint Anthony Shrine sa Bustillos, Sampaloc; Our Lady of Perpetual Help sa Bac­laran; Sta. Cruz Church; Sto. Domingo Church sa Quezon City at iba pa.

Gayundin sa mga dinarayong simbahan sa mga kanugnog na lugar sa Metro Manila tulad ng Our Lady of Peace sa Antipolo City.

Nagbabala rin ang PNP sa posibleng paghalo sa mga prusisyon ng mga kawatan o sa mga lugar kung saan siksikan ang mga deboto. Patuloy din ang mahigpit na pagbabantay ng mga pulis sa mga pampublikong terminal sa Metro Manila. (Joy Cantos)

 

ACIRC

ANG

ANTIPOLO CITY

CRUZ CHURCH

DOMINGO CHURCH

GENEROSO CERBO JR.

JOY CANTOS

MANILA CATHEDRAL

METRO MANILA

MGA

MINOR BASILICA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with