Palitan ng diaper isasabatas
MANILA, Philippines – Nais ni Senator Miriam Defensor-Santiago na magkaroon ng batas na mag-aatas sa lahat ng malalaking establisyemento sa bansa at mga tanggapan ng gobyerno na maglagay ng lugar kung saan maaring magpalit ng diaper ang mga sanggol o baby-diaper changing station.
Sa kanyang Senate Bill 2704 na tatawaging “Diaper-Changing Stations in Restrooms Act,” kapag naging ganap na batas, pinuna ni Santiago na karamihan sa mga establisyemento sa bansa ay walang mga diaper-changing stations.
Kalimitan din umano ng may mga diaper-changing stations ay nakalagay lamang sa mga restrooms ng mga babae. Katungkulan anya ng gobyerno na protektahan at isulong ang karapatan ng mga mamamayan na maging malusog at maging “health conscious.”
Dahil sa kawalan ng mga ‘changing tables’ para sa pagpapalit ng diapers ng mga sanggol, napipilitan ang mga magulang na gawin ito sa mga lababo ng public restroom na hindi naman maganda para sa ibang gumagamit ng mga pampublikong kubeta.
Dapat rin aniyang maging accessible para sa mga babae at lalaki ang mga diaper changing stations at hindi lamang para sa mga nanay.
- Latest