^

Bansa

Kamara pabor sa SK postponement

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinagalak ng liderato ng Kamara ang pagsasabatas ni Pangulong Aquino sa postponement ng Sangguniang Kabataan  (SK) elections para maisabay na lang ito sa barangay elections sa October 2016.

Sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr., mas mainam ito para sa dalawang Kongreso dahil mapapag-aralan pa nila ang mga reporma na dapat gawin sa SK gayundin ang ilang pag-amyenda na dapat gawin sa Local Government Code.

Bukod dito mabibigyang panahon din sila na maisaa­yos ang sistema ng SK sa bansa para sa mas responsive na mga kabataang naglilingkod sa mga barangay.

Ayon pa kay Belmonte, makakatulong ang SK postponement para mas mapagtuunan ng pansin at mapaghandaan lalo na ng Comelec ang nalalapit naman na national at local elections sa May 2016.

Ang pag-reset umano sa SK elections ay magbibigay daan para matiyak na ang isasagawang pampanguluhang halalan ay matagumpay, maayos at mapayapa.

vuukle comment

AYON

BELMONTE

BUKOD

COMELEC

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

IKINAGALAK

LOCAL GOVERNMENT CODE

PANGULONG AQUINO

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with