Earth Hour sa Marso 28 kasado
MANILA, Philippines - Kasado na ang isang oras na sabayang pagpapatay ng ilaw sa mga tahanan, gusali at establisimyento sa mundo na inorganisa ng World Wide Fund for Nature (WWF) para sa kalikasan.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, gaganapin ito sa bansa sa darating na Sabado, Marso 28 kung saan mangyayari ang main switch-off sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.
Hinimok ng kalihim ang publiko na lumahok sa Earth Hour 2015 na may global tagline anyang “Use Your Power to Change Climate Change” at magsisimula alas-8:30 hanggang alas-9:30 Sabado ng gabi sa Pilipinas.
“We encourage our people to participate in Earth Hour 2015 by voluntarily switching off all lights for one hour.... In so doing, Filipinos will be showing their solidarity with the rest of the world in efforts to combat climate change, thereby promoting a cleaner, healthier and greener world,” sambit ni Coloma sa Radyo ng Bayan.
Binanggit ng kalihim na simula 2009 hanggang 2013 ay kinilalang “Earth Hour Hero Country” ang bansa dahil sa pakikiisa nito sa kampanya.
Ngayong taon, magdo-donate anya ng solar lamps ang bansa sa mga komunindad na walang elektrisidad para tulungan silang mapailawan ang kani-kanilang mga tahanan.
- Latest