^

Bansa

Mt. Banahaw off limits pa rin sa holy week – DENR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Off limits” pa rin na pasukin ng mga tao ang Mt. Banahaw sa lalawigan ng Quezon laluna ngayong holy week.

Ang Bundok Banahaw ang isa sa mga itinuturing na sagradong lugar na madalas puntahan ng mga taong nangingilin kapag Semana Santa dahil sa banal na tubig na nakukuha dito na magaling daw makagamot ng ibat ibang karamdaman.

Sinabi ni DENR 4A Calabarzon Regional Executive Director Reynulfo Juan hindi pa rin pinahihintulutan ang mga trekkers at pilgrims maging ang pagkakaroon ng religious activities sa Banahaw dahil isa na ito ngayong Protected Area.

Ani Juan, dulot ng pagdagsa noon ng mga tao sa Mt. Banahaw, nagmistulang basurahan ang tinagurian nilang ‘holy mountain’.

Marami na rin anyang humihiling sa ahensiya na isara na nang tuluyan ang Banahaw maging sa mga tradisyunal na nagsasagawa doon ng cultural at religious practices ng mga matatanda para mapa­ngalagaan ng husto ang naturang bulkan.

Noong March 20, 2014 isang grupo ng pilgrims ang pumasok sa naturang restricted area at lumikha ng apoy ang mga ito dahilan para masunog ang bahagi ng kagubatan.

ANG BUNDOK BANAHAW

ANI JUAN

BANAHAW

CALABARZON REGIONAL EXECUTIVE DIRECTOR REYNULFO JUAN

MT. BANAHAW

NOONG MARCH

PROTECTED AREA

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with