^

Bansa

Taumbayan ‘no’ sa BBL – survey

Rudy Andal at Angie Dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Halos kalahati ng mga Filipino ang tutol na maipasa ng Kongreso ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sa isinagawang survey ng Pulse Asia mula March 1-7 nasa 44 percent ng 1,200 respon­dents ang kontra na ipasa ang BBL.

Mahigpit na kumontra ay mula sa Min­danao.

Sa naturang bilang 21 percent ang gusto sa BBL at 36 percent ay wala pang desisyon.

Sa mga ayaw sa BBL, 16 percent dito ang ma­tinding tumututol sa nilalaman ng panukala at 27 percent ang tumanggi na maipatupad ito.

Sa bilang ng mga pabor sa BBL, may 4 percent naman ang “strong agree” sa pagpasa ng BBL at 17 percent ang “agree.”

 Ang BBL ay pa­tuloy na naka-pending sa Kongreso.

Ang BBL ang sinasa­bing susi sa kapayapaan sa Mindanao subalit dahil sa naganap na pamamaslang sa 44 SAF members naudlot ang inaasahang pagpasa sa naturang panukala.

 

Mayorya ng Pinoy ’di pabor na magbitiw si PNoy

Samantala, sa kabila ng pagsadsad ng åap­proval at trust ratings, mas marami pa ring Pilipino ang hindi sang-ayon na magbitiw sa pwesto si Pangulong Aquino.

Sa tanong kung sang-ayon ba ang mga ito o hindi na mag-resign na si PNoy ngayon, 42% ang sumagot ng hindi habang 29% ang sumagot ng oo.

Umabot naman sa 28% ang hindi tiyak.

Iniiugnay sa kontro­bersya ng Mamasapano incident ang pagbulusok ng ratings ni PNoy dahil na rin umano sa kakulangan at hindi pag-ako nito ng responsibilidad sa pagkamatay ng 44 SAF commandos.

 

BANGSAMORO BASIC LAW

BBL

INIIUGNAY

KONGRESO

PANGULONG AQUINO

PULSE ASIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with