^

Bansa

‘Harassment’ sa Bulacan recall ikinabahala ng PCJ

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naalarma na ang grupong Philippine Crusader for Justice (PCJ) dahil sa umano’y patuloy na pagkilos ng kampo ng gobernador ng Bulacan para pigilang matuloy ang recall election na nadesisyunan na ng Commission on Election (Comelec).

Ayon kay Joe Villanueva, convenor ng PCJ na nagsusulong ng hustisya, nakababahala ang umano’y paggamit ng Lingkod Lingap sa Nayon at mga barangay health workers para pagbantaan ang mga residenteng benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer program na ititigil ang pagtanggap nila ng ayuda kung hindi babawiin ang pagpirma nila sa recall petition.

Bunga nito, hinamon ni Villanueva si Bulacan Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado na tanggapin ang desisyon ng Comelec at harapin ang 319,707 registered voters at lehi­timong residente ng lalawigan na pumirma sa petisyon.

Kaugnay nito, pinagtakhan naman ng PCJ  kung anong basehan ng inilabas na temporary restraining order ni Malolos City RTC branch 83 Judge Guillermo Agloro kahapon na pansamantalang pumipigil sa pag-usad ng proseso ng Comelec para sa gaganaping recall election.

Giit ni Villanueva, “lutong macau” at malinaw umano na pagbalewala ito sa inilabas na desisyon ng Supreme Court noong February 16, na nagbabasura sa kahalintulad na petisyon na inihain ng kampo ni Alvarado.

Dahil dito umaasa ang PCJ at mga residente ng Bulacan na makakakuha sila ng hustisya sa pag-upo ng bagong provincial election supervisor sa katauhan ni Atty. Jervie Cortez na hindi nito ipatutupad ang TRO sa darating na araw ng Lunes.

BULACAN

BULACAN GOV

COMELEC

CONDITIONAL CASH TRANSFER

JERVIE CORTEZ

JOE VILLANUEVA

JUDGE GUILLERMO AGLORO

LINGKOD LINGAP

MALOLOS CITY

PHILIPPINE CRUSADER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with