Suhol sa BBL itinanggi ng Palasyo
MANILA, Philippines - Hindi manunuhol si Pangulong Aquino sa mga mambabatas para lang pumasa agad ang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi uso sa Aquino administration ang panunuhol o pagbibigay ng ‘pabaon’ para lamang masiguro ang pagpasa ng BBL.
Aniya, wala na ang kontrobersyal na Priority Development Fund o pork barrel na kilalang ginagamit ng nakaraang administrasyon sa panliligaw sa mga mambabatas para makuha ang suporta ng mga ito.
“Wala na hong PDAF, baka sabihin gagamit kami ng PDAF, wala na hong PDAF,” dagdag pa ni Valte.
Pero bukas ang Palasyo sa pag-amyenda sa BBL bago ito ipasa.
- Latest