^

Bansa

‘Epal’ na pulitiko bawal sa graduation

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bawal ang mga ‘epal’ na pulitiko sa mga graduation rites ng mga estudyante na magsisipagtapos sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Ito ang paalala ng Department of Education ­(DepEd), tatlong linggo bago ang nakatakdang pagtatapos ng mga mag-aaral.

Ayon kay DepEd Sec. Armin Luistro, dapat gawing politics-free ang graduation rites, solemn, naka-pokus sa mga estudyante at kanilang mga magulang.

Hindi anya venue para sa anumang political forum ang pagtatapos ng mga mag-aaral.

Sa panig naman ni Education Undersecretary Tonisito Umali ay nagsabing maaari namang dumalo ang mga opisyal ng pamahalaan tulad ng mga alkalde sa graduation rites, ngunit hindi dapat na ‘umepal’ ang mga ito.

Aniya, maaaring magbigay ang mga ito ng inspirational message sa mga magsisipagtapos ngunit nanawagan na hindi dapat na mapulitika ang okasyon.

Una nang itinakda ng DepEd ang graduation rites ngayong taon sa Marso 26 at 27.

ANIYA

ARMIN LUISTRO

AYON

BAWAL

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION UNDERSECRETARY TONISITO UMALI

MARSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with