^

Bansa

Chinese New Year, matagumpay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naging matagumpay ang pagdaraos ng Chinese New Year sa Binondo Maynila kung saan inorganisa ng isang real estate company na  layong mapaunlad ang  negosyo hindi lamang sa Maynila kundi sa buong bansa.

Sa panayam kay Tere­sa Pesigan-Valentino Sr. AVP and Head Marketing ng Megaworld, mala­king karangalan sa kanila na maging organizer ng  pagdiriwang ng Chinese New Year kung saan nakita ang pakikiisa ng mga Filipino at iba pang mga dayuhan sa pagdiriwang. Indikasyon lamang ito na  marami ang kumikilala sa tradisyon ng mga Chinese.

Ayon kay Valentino, kailangan na mapanatili ang sigla ng Chinatown na maghihikayat sa mga negosyante na mamuhunan at patuloy na pagsigla ng mga negosyo.

Samantala, tiniyak ni Valentino na palalawakin pa nila ang kanilang proyektong ‘township’ na magbibigay din ng trabaho sa mga Filipino. Aniya, hindi na kaila­ngan pang magpunta sa Maynila ang mga nasa probinsiya upang mag­hanap ng trabaho dahil ang Megaworld umano ang siyang maglalagay ng komunidad kung saan maglalaan ng trabaho, bahay at paaralan.

Giit nito unti-unti nang natutupad ang vision ng kanilang pamunuan na mabigyan ng trabaho pa ang mga Filipino at Chinese upang matugunan ang  problema sa unemployment.

Tiniyak pa ni Valentino na hindi naman tumitigil ang kanilang kompanya upang mag-isip ng iba pang mga proyekto na magbibigay ng maayos na pamumuhay sa bawat Filipino.

ANIYA

BINONDO MAYNILA

CHINESE NEW YEAR

HEAD MARKETING

MAYNILA

MEGAWORLD

PESIGAN-VALENTINO SR.

VALENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with