^

Bansa

Sa mga gusto ng transition gov’t Konstitusyon silipin muna – SC chief

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kontra si Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa panawagan ng grupong EDSA 2.22.15 Coalition na siya ang mamuno ng transition government kung sakaling mapatalsik o mag-resign si Pangulong Aquino.

Payo ni Sereno sa grupo, tingnan ang 1987 Constitution dahil dito nakasaad kung ano ang gagawin ng bansa sa pa­nahong may kaguluhan at mawawalan ng lider.

Kung pagbabasehan anya ang Article 7, Section 8, Paragraph 1 ng Constitution, malinaw na hindi ang Chief Justice ang papalit sa Pangulo.

Nakasulat dito na sakaling mamatay, mapatalsik o mag-resign ang Pangulo, dapat na ang Pangalawang Pangulo ang hahalili at kung wala ay maaring mailipat ang kapangyarihan sa Senate President hanggang House Speaker hanggang hindi nakakahalal ng bagong Pangulo at pangalawang Pangulo.

Maalala na sa pagdiriwang ng ika-29 na ani­bersaryo ng Edsa People Power 1 nanawagan ang grupo na magbitiw si Aquino at ang papalit ay ang transition government na pangungunahan ni Sereno kasama ang mga tagapayo na kinabibilangan ng mga taga-Simbahan.

Ayon sa grupo nawalan na ng kakayahang ma­muno ng bansa ang Pa­ngulo dahil sa Mamasa­pano encounter na ikinasawi ng SAF 44.

CHIEF JUSTICE

EDSA PEOPLE POWER

HOUSE SPEAKER

LOURDES SERENO

PANGALAWANG PANGULO

PANGULO

PANGULONG AQUINO

SENATE PRESIDENT

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE MA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with