^

Bansa

All-out offensive vs BIFF

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naglunsad na ng all-out offensive operation ang Armed Forces of the Philippines laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ayon kay AFP Chief Gen. Gregorio Pio Catapang, nais nilang bigyang proteksyon ang komunidad sa Central Mindanao laban sa pag-atake ng BIFF na nanunog ng mga kabahayan.

Sa pinakahuling report, apektado ang nasa 20,000 hanggang 25,000 indibidwal dahil sa mga atake ng BIFF.

Una rito, naghamon ng rematch laban sa tropa ng pamahalaan ang BIFF sa pamamagitan ng spokesman nitong si Abu Misry bago umano ibalik ang aniya’y nasa 10 mga armas na nasamsam nila sa Special Action Force (SAF) na nakabakbakan din nila sa Mamasapano, Maguindanao.

Nitong linggo ay inianunsyo ng mga opisyal na tinatayang nasa 20 hanggang 30 BIFF ang napaslang sa ‘military bombardment‘ sa pinagkukutaan ng BIFF sa Cotabato.

ABU MISRY

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BIFF

CENTRAL MINDANAO

CHIEF GEN

COTABATO

GREGORIO PIO CATAPANG

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with