MRT muling tumirik
February 19, 2015 | 10:37am
MANILA, Philippines - Muling naantala ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) ngayong Huwebes.
Ayon sa ulat ng dzMM, ganap na 5:55 ng umaga nang huminto ang isang northbound na tren sa bahagi ng Ortigas.
Dahil sa aberya, pinababa ang mga pasahero at pinalipat sa kasunod na tren.
Ito na ang ikatlong sunod na aberya ng MRT ngayong lingo.
Nitong kamakalawa ay ilang pasahero ang nasugatan matapos biglang nag-activate ang automatic train protection brake.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended