^

Bansa

Gang war sa Maynila, itigil

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bunsod na rin ng madugong pagkakapatay sa isang 18-anyos na binata sa Tondo, Maynila noong nakaraang linggo, umapela si Manila Vice Mayor Isko Moreno sa mga Manilenyo na itigil ang gang war kung  saan inosenteng sibilyan ang  siyang  nagiging biktima.

Ayon kay Moreno, walang buting idudulot ang gulo sa pagitan ng mga grupo ng kabataan at nasasayang pa ang kanilang mga panahon sa halip na pag-aaral ang pinagtutuunan ng pansin.

Idinagdag pa nito na inatasan na niya ang Manila Police District upang magdagdag ng tauhan na lilibot sa mga lugar ng Perla St. at iba pang lugar sa Tondo, upang maiwasan ang sunud-sunod na  barilan.

Nabatid na nakipag-ugnayan na sila sa mga Brgy. officials at magulang ng mga naging biktima na gang war.

Sa pahayag ni  MPD-Homicide Section chief, Senior Insp. Steve Casimiro, sinabi nito na  iniimbestigahan nila ang anggulo na onsehan sa naganap na pagpatay sa biktima dahil may P100,000 na nais makuha ang mga suspek  sa hinahabol ng mga ito.

Ani Casimiro wala pang linaw kung droga o utang  na pera ang  P100,000 na nais na makuha ng mga hindi pa nakikilalang suspek mula sa taong sumuko kay Moreno noong Sabado matapos ang ugnayan sa barangay.

vuukle comment

ANI CASIMIRO

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DISTRICT

MORENO

PERLA ST.

SENIOR INSP

STEVE CASIMIRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with