Mga kongresista nag-ambagan para sa naulila ng SAF 44
February 5, 2015 | 12:00am
MANILA, Philippines – Nagkanya-kanyang dukot sa sarili nilang mga bulsa ang mga kongresista bilang tulong sa mga naulila ng 44 SAF men na minasaker sa Mamasapano, Maguindanao.
Sinabi ni House Speaker Sonny Belmonte, sobra-sobra pa sa P10,000 requirement ang ibinigay ng ibang kongresista. May nag-abot aniya ng P150,000 dahil nagkataong sweldo.
Una nang naglabas ng resolusyon ang Kamara na magbibigay ng tig-P10,000 ang bawat kongresista bilang tulong pinansyal sa mga naiwang kaanak ng mga biktima.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended