^

Bansa

Espina sa MILF: Isoli ninyo ang mga baril!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan kahapon si PNP Officer-in-Charge P/Director Gen. Leonardo Espina sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ibalik ang kinulimbat ng mga itong baril ng 44 napaslang na Special Action Force (SAF) commandos sa madugong bakbakan noong Enero 25 sa Brgy. Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.

“They should return to us (firearms), amin yan, may usapin between (MILF) at saka ng gobyerno, isauli nila,” pahayag ni Espina.

Ito’y matapos na makarating kay Espina ang ulat na ibinebenta na sa murang halaga ng MILF ang mga kagamitan tulad ng cellphone, mga alahas at armas na kinuha sa mga nasawing SAF commandos.

Binigyang diin ni Espina na dapat magpakita ng sinseridad sa peace talks ang MILF sa pamamagitan ng pagsosoli sa tinangay ng mga itong mga armas.

“They must show proof of sincerity doon sa usapan (peace talks). Unang-una sorry I am getting emotional , eh magpakita naman sila (MILF) ng tama,” punto ni Espina.

Sinabi ni Espina na na­lagasan na nga ang PNP ng 44 SAF commandos ay tinangay pa ang mga armas ng mga ito.

Maugong naman ang usap-usapan na si sus­pended PNP Chief P/Director General Alan Purisima at ang nasibak na si SAF Commander Director Getulio Napeñas ang binigyan ng go signal ni Pangulong Aquino upang isagawa ang pumalyang Oplan Exodus na ikinasawi ng 44 SAF troopers.

CHIEF P

COMMANDER DIRECTOR GETULIO NAPE

DIRECTOR GEN

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

ESPINA

LEONARDO ESPINA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

OFFICER-IN-CHARGE P

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with