^

Bansa

Probe team vs Mamasapano clash

Doris Borja at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bubuo ang Department of Justice ng lupon na mag-iimbestiga sa pagkamatay ng 44 SAF sa Mamasapano, Maguinda­nao noong Enero 25.

Ayon kay Justice Sec. Leila de Lima, inatasan siya ni Pangulong Aquino na bumalangkas at magsampa ng kaso laban sa mga taong nasa likod ng pagkamatay ng 44 SAF commandos.

Kabilang sa team ang National Prosecution Service (NPS) at National Bureau of Investigation (NBI) na susuri sa mga makakalap na ebidensya.

Sinabi ni de Lima na personal niyang panga­ngasiwaan ang lupon na makikipag-ugnayan din sa Board of Inquiry (BOI) ng PNP.

Mangangalap din anya sila ng mga ebidensya bukod pa ang magmumula sa PNP at AFP at maging sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Samantala, itinakda na ng Kamara sa Miyerkules ang imbestigasyon sa Mamasapano incident.

Kabilang sa ipapatawag ng komite sina suspended PNP Chief Alan Purisima, tagapagsalita ng US Embassy, kinatawan ng MILF, DILG Sec. Mar Roxas at kinatawan mula sa MNLF.

BOARD OF INQUIRY

CHIEF ALAN PURISIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUSTICE SEC

KABILANG

MAMASAPANO

MAR ROXAS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL PROSECUTION SERVICE

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with