^

Bansa

Hamon sa MILF: SAF killers isuko!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

“Mga suspek sa Mamasapano masaker isuko!”

MANILA, Philippines – Ito ang hamon kahapon ni Association of General and Flag Officers Inc. (AGFO) President ret. Gen. Edilberto Adan sa liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) patungkol sa mga nasa likod ng karumal-dumal na paglapastangan sa bangkay ng ilan sa nasawing 44 tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao kamakailan.

“Dapat bawiin ng pamahalaan ang lahat ng mga armas na ninakaw sa mga patay na pulis at isuko ng liderato ng MILF ang mga tauhan nilang nagpakana ng pamamaslang,” sabi ni Adan na dating brigade commander ng militar sa Mindanao noong panahon ng all-out-war ng AFP laban sa MILF rebels noong 2000.

Una nang kumalat sa Facebook ang bangkay ng ilan sa mga nasawing PNP-SAF na pinagtataga kung saan may mga natagpas sa ulo, naputulan ng paa at kamay at iba pa habang pinaghuhubaran rin ang mga ito at kinulimbat ang mga uniporme, personal na kagamitan at mga baril.

Naniniwala ang opis­yal base sa mga kumalat na video footage na hindi lamang basta engkuwentro ang nangyari kundi minasaker ang SAF men na nagsagawa ng operasyon upang hulihin ang wanted na si Jemaah Islamiyah (JI) terrorist Zulkipli bin Hir alyas Marwan at Basit Usman.

“It‘s a heinous, barbaric massacre that cannot be justified even under the current protocols of the peace process between the Government and the MILF,” ani Adan.

Sinabi ni Adan na hindi sapat ang basta imbestigasyon, mahalaga ring isuko ng MILF sa batas ang nasa likod ng pag-masaker  sa mga tauhan nito bilang pagpapakita na sinsero ang separatistang grupo sa isinusulong na kapayapaan ng pamahalaan.

Ang AGFO na itinatag may 50 taon na ang nakakalipas ay may 800 miyembro na binubuo ng mga retirado at aktibong heneral at flag rank officers mula sa AFP, PNP, Philippine Coast Guard, Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Fire Protection.

“Hindi dapat kaligtaan na, kahit merong negosasyon, katayuan pa rin ng MILF ang pagiging isang combatant force na nagtuturing na kaaway nito ang puwersa ng pamahalaan,” sabi pa ni Adan.

Patunay nito ay ang pananambang ng MILF sa Army Scout Rangers sa Basilan noong 2011 at iba pang madugong bakbakan na ikinasawi ng marami sa tropa ng pamahalaan.

Tinuligsa ni Adan ang aniya’y kawalan ng kontrol ng MILF sa mga tauhan nito sa pananabotahe sa prosesong pangkapa­yapaan.

ADAN

ARMY SCOUT RANGERS

ASSOCIATION OF GENERAL AND FLAG OFFICERS INC

BASIT USMAN

BUREAU OF FIRE PROTECTION

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

EDILBERTO ADAN

MILF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with