^

Bansa

4K pulis magma-mass leave

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bilang protesta sa pagmasaker sa 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation (MILF), ikinokonsidera na ng 4,000 puwersa ng Philippine National Police Academy Alumni Association Inc. (PNPAAAI) na mag-mass leave.

Ayon kay ret. P/Chief Supt. Thomas Rentoy III, chairman ng PNPAAAI, anim sa mga nasawi ay miyembro ng kanilang samahan.

“We are thinking of asking our alumni members to stand down and go on vacation leave for five days while we are in mourning. We have already sent communication to our alumni graduates who are dispersed all over the country to wait for our instructions regarding this,” pahayag ni Rentoy.

Kabilang sa 44 nasawi ay anim na junior officers na mga miyembro ng PNPAAAI na sina Senior Inspectors Ryan Pabalinas, PNPA Class 2006; Jo Tabne at Cyrus Aniban, pawang ng PNPA Class 2010; Rene Tyrus, ng PNPA Class  2011; Max Tria at John Garry Arana, ng PNPA Class ng 2009.

Si Arana ay nagtapos bilang baron o unang kapitan, lider ng kanilang klase.

Anim naman ang napaslang na MILF rebels na sinasabing matinding nakasagupa ng SAF at lumapastangan sa bangkay ng ilan sa mga ito na tinadtad ng taga at pinutulan pa ng mga bahagi ng kanilang katawan matapos hubaran.

Sinabi rin ni Rentoy na ang kanilang samahan ay nagsasagawa ng sariling imbestigasyon at nais nilang isa sa nagtapos sa PNPA ay mapabilang sa Board of Inquiry na binuo ni DILG Sec. Mar Roxas sa Mamasapano massacre.

Determinado ang PNPAAAI na sampahan ng kasong kriminal ang mga responsable o nasa likod ng pag-uutos sa ‘special operation’ upang arestuhin sina Jemaah Islamiya (JI) terrorist Zulkipli bin Hir alyas Marwan at Basit Usman, lider ng Abu Sayyaf na sinanay sa terorismo ng JI.

vuukle comment

ABU SAYYAF

BASIT USMAN

BOARD OF INQUIRY

CHIEF SUPT

CYRUS ANIBAN

JEMAAH ISLAMIYA

JO TABNE

JOHN GARRY ARANA

MAR ROXAS

MAX TRIA

MORO ISLAMIC LIBERATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with