^

Bansa

Erap, mayor pa rin!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mananatiling alkalde ng Maynila si dating pa­ngulong Joseph “Erap” Estrada.

Ito’y matapos na ibasura ng Korte Suprema sa botong 11-3 ang disqualification case laban kay Estrada.

Sa petisyon na inihain ni Atty. Alicia Rios-Vidal, kinuwestiyon nito sa SC ang pagtakbo ni Estrada bilang alkalde ng Maynila samantalang disqualified ito bunsod na rin ng kasong plunder na isinampa rito.

Katwiran ng mga ito, mula nang ma-convict sa kasong plunder noong 2007 at mahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo dapat sana ay otomatikong diskwalipikado na ito o ibig sabihin ay wala na itong karapatang tumakbo sa anumang elected positions 

Sa press conference ni SC spokesperson Atty. Theodore Te, inihayag nitong kinikilala ng SC ang absolute pardon na ibinigay kay Estrada ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Congw. Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng conviction nito sa kasong plunder.

Nangangahulugan lamang na ibinabalik ang  lahat ng karapatan ni Estrada kabilang na ang  kanyang political rights.

Tumayong ponente sa desisyon si SC Associate Justice Teresita Leonardo-de Castro na matatandaang siyang mahistrado ng Sandiganbayan na humatol kay Erap sa kasong plunder.

Kabilang sa mga bumoto pabor sa diskwalipikasyon sina Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio at Justice Marvic Leonen.

Pumabor naman sa pagbasura ng  kaso sina Presbitero Velasco, Arturo Brion, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Martin Villarama, Jose Perez, Jose Mendoza, Bienvenido Reyes, Estela Perlas-Bernabe.

Nag-inhibit naman si Justice Francis Jardeleza dahil naging bahagi ito ng isyu noong solicitor general pa ito.

Ikinatuwa naman ni Estrada ang naging desisyon ng Korte Suprema.

Nang tanungin kung ano ang kanyang  mensahe kay dating Manila Mayor Alfredo Lim: “God Bless and more power to his retirement”,  ani Erap.

Muli ring nanindigan si Estrada na ito na ang kanyang “last hoorah” kung saan pinauubaya na niya kay Manila Vice Mayor Isko Moreno ang lungsod sa mga susunod na taon.

Gayunman, ang boses ng masa ang kanyang magiging batayan kung dapat pa siyang  tumakbong muli sa pagka-alkalde.

Jinggoy talo

Kung nanalo sa  Korte Suprema si Mayor Estrada, iba naman ang sinapit ni Sen. Jinggoy Estrada nang hindi paboran ng mga mahistrado ang kanyang petisyon na ibasura ang plunder case na isinampa sa kanya ng Office of the Ombudsman.

Sabi ni Estrada, nilabag nito ang kanyang mga karapatan sa due process.

Ayon naman sa mga mahistrado, nabigo ang senador na patunayang may nilabag sa kanyang mga karapatan ang tanod bayan. Dinismis ang petisyon sa botong 9-5.

Ang nakababatang Estrada ay nakakulong pa rin sa Camp Crame dahil sa umano’y pagkakasangkot sa multi billion pork barrel scam.

ALICIA RIOS-VIDAL

ARTURO BRION

ASSOCIATE JUSTICE TERESITA LEONARDO

BIENVENIDO REYES

CAMP CRAME

ERAP

ESTRADA

KORTE SUPREMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with