^

Bansa

Indra lumabag sa procurement law - Solon

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan kahapon si Parañaque Congressman Gus Tambunting sa Commission on Elections (Co­melec) na idiskuwa­lipika ang Spain-owned technology provider na Indra Sistema sa P2 bil­yong pisong bidding para sa automation ng 2016 national polls dahil luma­bag umano ito sa ilang preconditions ng Philippine procurement law.

Sinabi ni Tambunting na nabigo ang Indra Sistemas na tuparin ang lahat ng requirements para ma­ging kuwalipikado sa public bidding ng Comelec para sa lease ng karagdagang 23,000 Optical Mark Reader (OMR) units na gagamitin sa halalan sa susunod na taon.

Naunang nagsumite ang Indra Sistemas at Smartmatic-TIM ng kanilang Eligibility Requirements and Initial Technical Proposals para sa 23,000 OMR machines.

Ang OMR voting machines, tulad ng PCOS, ay nag-i-scan ng mga balotang ipinapasok dito. Ito rin ang bumibilang ng mga boto. Sa kaso ng nakaraang automated polls, ang mga botante ang nag-shade ng oval sa tabi ng pangalan ng kanilang piniling kandidato.

Kailangan ng Comelec ng 23,000 additional OMR machines para idagdag sa 82,000 PCOS machines na ginamit noong 2016 polls.

Gayunpaman, sinabi ng mga abogado ng Smartmatic sa Comelec-Bids and Awards Committee (BAC) na nabigo ang Indra na magsumite ng mga katibayan na nakahawak na ito ng mala­king kontrata na katulad ng precinct-based optical mark reader o OMR pro­ject ng Comelec.

Una rito sinabi ni Atty. Ruby Rose J. Yusi, lead counsel ng Smartmatic na walang record ang Indra na nakahawak na ito ng kontrata para sa precinct-based OMR sa loob ng nakaraang 10 taon na tutugon sa requirement na “50 percent of the ABC of the OMR project.”

COMELEC

COMELEC-BIDS AND AWARDS COMMITTEE

CONGRESSMAN GUS TAMBUNTING

ELIGIBILITY REQUIREMENTS AND INITIAL TECHNICAL PROPOSALS

INDRA

INDRA SISTEMA

INDRA SISTEMAS

OMR

SMARTMATIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with