Pope Francis biyaya sa mga Pinoy - Cardinal Tagle
MANILA, Philippines - Biyaya sa sambayanang Filipino si Pope Francis, ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Tagle.
Sa kanyang mensahe sa Santo Papa, sinabi ni Tagle na naging tulay ito upang lalo pang palakasin ang pananampalataya sa Panginoon. Emosyonal itong nagpasalamat sa tulong na maibalik ang pagkakaisa at paniniwala sa Diyos.
“With your visit, we know Jesus will renew and rebuild his Church in the Philippines...Indeed you are Peter, the rock upon which Jesus has built his Church,” ani Tagle.
Ipinagmamalaki rin ni Tagle ang Manila Cathedral na aniya’y simbolo ng katatagan ng mga Pinoy na ilang beses na pinabagsak ng kalamidad ngunit hindi pumayag na tuluyang mawasak kundi bumangon at tumayong muli.
Pagkatapos ng kanyang mensahe ay niyakap ni Tagle ang Santo Papa at dito na naging emosyonal ang Cardinal.
Samantala, nakasentro sa biyaya at kasaganahan para sa Pilipinas ang laman ng mensahe ni Pope Francis na kanyang sinulat sa guest book kasabay ng kanyang pagbisita sa Palasyo ng Malacañang.
- Latest