Pinas bibili ng 2 C-130 plane sa US
MANILA, Philippines - Nakatakdang bumili ang Pilipinas ng dalawang segunda manong C-130 plane sa Estados Unidos na nagkakahalaga ng $55 milyon o mahigit P2.47 bilyon upang palakasin pa ang kapabilidad at pambansang depensa ng sandatahang lakas ng bansa.
Ito’y matapos na magtungo kahapon ang mga opisyal ng AFP sa pamumuno ni Major Gen. Victor Bayani, assistant chief of staff for Logistics para magsagawa ng ikalawang inspeksyon sa dalawang US C130 plane sa Joint Reserve Naval Air Station sa Forth Worth Texas, USA.
Kasabay nito, lumagda si Bayani ng Letter of Offer and Acceptance bilang kinatawan ng pamahalaan ng Pilipinas para mabili ang dalawang US C130 plane.
Inaasahan naman ang delivery ng naturang mga aircraft sa unang quarter ng 2016.
“The sale of the two C-130s is part of the U.S. Government’s commitment to help the Philippines develop its territorial defense and maritime security capabilities, as well as enhance its ability to respond to humanitarian assistance and disaster relief emergencies, which routinely occur in the Philippines,” ayon naman sa statement ng US Embassy.
Ang nasabing mga aircraft ay ginamit sa pagsagip ng buhay at pagde-deliver ng mga relief goods sa mga biktima ng super bagyong Yolanda sa Visayas Region partikular na sa Samar at Leyte kung saan pinakagrabeng sinalanta ang Tacloban City.
“As part of a joint investment program to build the capabilities of the Philippine Military, the US is providing $20 million in US Foreign Military Financing (FMF) towards this purchase,” dagdag pa ng US Embassy.
Sa kasalukuyan ay tatlo ang C130 plane ng PAF pero ‘under maintenance’ o kinukumpuni ang isa rito.
- Latest