^

Bansa

PNoy ‘di iaatras ang MRT/LRT fare hike

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi iaatras ni Pa­ngulong Aquino ang ipina­tupad na taas-pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).

Sinabi ng Pangulo sa isang ambush interview sa pagdalo sa inagurasyon ng bagong gusali ng Romblon Provincial Hospital, na hindi magbabago ang kanyang desisyon. Iginiit ni PNoy na ito ang makatwiran at mapu­punta sa pagpapabuti ng serbisyo ng mga tren ang pagtaas ng pasahe.

Sinabi rin ng Pangulo na hindi dapat reklamo kundi dapat mag-alok din ng solusyon ang mga kritiko ng ipinatupad na fare hike sa MRT at LRT.

Mahalaga anya ang pag-aalok din ng solus­yon upang mas mabuting matugunan ang problema ng mass transport system kaysa puro batikos.

Aniya, dahil sa ipinatupad na fare hike sa MRT/LRT ay nakapagbawas ng P2 bilyong subsidy ang gobyerno sa nasa­bing train system. Marapat lamang umano na itaas na ang pasahe dahil makailang ulit na itong ipinagpaliban.

ANIYA

AQUINO

IGINIIT

LIGHT RAIL TRANSIT

MAHALAGA

METRO RAIL TRANSIT

PANGULO

ROMBLON PROVINCIAL HOSPITAL

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with