^

Bansa

Jobless ng QC, naibulsa ang P33 milyon sa lotto

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang jobless na 24-anyos na babae ang nakapagbulsa sa P33 milyon sa nagdaang December 23 6/42 jackpot lotto draw.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) acting chair at general manager Jose Ferdinand Rojas II, nakubra na kahapon ng nag-iisang lucky winner na taga-QC ang napanalunan nito mula sa naturang ahensiya.

Ang lone winner ay sinasabing kumikita ng karampot na pera sa pamamagitan ng paglilinis ng bahay sa kanyang mga kapitbahay o minsan ay taga hatid sa school ng anak ng mga kapitbahay o taga bili ng pagkain sa palengke. P20.00 kada trabaho ang bawat bayad sa kanya ng napaglingkurang kapitbahay.

Sinasabing may limang taon nang tinatayaan ng lucky winner ang winning combination na 04-09-11-24-29-37 na buhat pa sa birthday ng mga kapatid at kamag-anak.

Sabi ng lone winner na ngayong may pera na siya ay magtatayo siya ng negosyo at magpapaaral ng mga kapatid.

AYON

ISANG

JOSE FERDINAND ROJAS

KAPITBAHAY

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

SABI

SINASABING

WINNER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with