^

Bansa

PNP full alert sa Papal visit

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umpisa sa Lunes, Enero 12 isasailalim na sa full alert status ang 150,000 puwersa ng Phi­lippine National Police (PNP) upang matiyak ang seguridad ng milyong deboto kaugnay ng napi­pintong pagbisita ni Pope Francis sa bansa.

Sinabi ni PNP Officer in Charge P/Deputy Director General Leonardo Espina, nakalatag na ang lahat ng security measure sa pagbisita ni Pope Francis mula Enero 15-19.

Todo alerto ang PNP sa Quirino grandstand sa Luneta, Manila Cathedral, Mall of Asia, UST at ma­ging sa iba pang venue na tutunguhin ng Santo Papa.

Ang PNP ay magdedeploy ng 25,000 pulis habang 7,000 sundalo sa AFP bukod pa ang nasa 5,000 reservists ng tropa ng militar.

Sinabi ni Espina na lahat ng posibleng scenario na maaring mangyari sa pagbisita ng Santo Papa ay kanilang ikinokonsidera at pinaghahandaan.

Iginiit ni Espina na bagaman wala silang natatanggap na banta sa seguridad ng Papa ay mas mabuti na ang nakahanda sa lahat ng oras.

Ang Papa ay naka­takda ring bumisita sa mga survivors ng supertyphoon Yolanda sa Tacloban City at Palo, Leyte.

ANG PAPA

CHARGE P

DEPUTY DIRECTOR GENERAL LEONARDO ESPINA

ENERO

ESPINA

MALL OF ASIA

MANILA CATHEDRAL

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with