Bus vs motor: Trader todas
CAMARINES NORTE, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang 23 anyos na negosyante makaraang aksidenteng suwagin ng kasalubong na pampasaherong bus ang sinasakyan nitong motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika highway sa Brgy. Malabog, Daraga, Albay kamakalawa ng gabi.
Agad na binawian ng buhay ang biktimang si Randy Loza, binata at may ari ng isang Autoshop sa Brgy.Salvacion Daraga, Albay at residente ng Brgy. Bagacay, Jovellar, Albay habang ang driver ng St. Christopher bus na minamaneho ni Ignacio Escalante, 45 anyos may asawa at residente ng Taguile St., Palmera Heights, Cainta, Rizal ay isinailalim sa medical examination.
Nabatid sa imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-9 ng gabi, mabilis na binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Maharlika highway pagsapit sa isang kurbadang daan nag overtake ang biktima sa isang bus na kung saan paparating naman ang kasalubong na St. Christopher bus at tuloy tuloy na sumalpok sa motor.
Sa tindi ng pinsalang tinamo ng biktima idineklara itong dead on arrival sa Bicol Regional Teaching and Training Hospital. Sumuko naman sa mga awtoridad ang driver ng bus.
- Latest