^

Bansa

LTO nagpaalala para sa standardized plaka

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga motoristang nag-renew ng registration sa kanilang mga sasakyan na ka­ilangang mag-apply para sa pagpapalit ng lumang plaka para sa bagong standardized na plaka.

Ayon sa LTO, ang mga sasakyan lamang anya na mapapaso na para sa renewal ang pinapayagang mag-apply para sa pagpapalit ng mga plaka.

“Motor vehicles that have already renewed their registration for Ja­nuary 2015 shall have the option of applying for the replacement in the next registration year at any LTO district office or at any time prior to thereto by going back to the same LTO district office where the renewal of its registration was last effected,” sabi ng kagawaran.

Ang replacement ng plaka ay nagkakahalaga ng P450, dagdag pa na ang bagong stan­dardized license plates at third plate sticker at plate locks ay maaaring ilabas sa loob ng 45 araw mula sa petsa ng renewal regis­tration.

Dagdag ng LTO, ang mga registered owner ng sasakyan ang responsable para sa pagkakabit ng bagong standardized plates. Gayunman, ang attachment ng anumang unauthorized plate(s) o anumang aksesorya o device sa mga otorisadong sasakyang o anumang uri ng pagkakabit na makakahadlang sa kakayahang makita o kaya makapagpaliwanag sa otorisadong plaka ay ipinagbabawal.

Kaugnay nito, sabi pang LTO, hindi na ka­ilangan pa ng mga moto­ristang isuko ang lumang lisensya, dahil ang bagong plaka ay katulad din ng plaka na may alphanumeric character. (Ricky Tulipat)

AYON

DAGDAG

GAYUNMAN

KAUGNAY

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LTO

PLAKA

RICKY TULIPAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with