^

Bansa

Pinay dinukot, ni-rape sa UAE

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang Pinay accountant ang umano’y dinukot at halinhinang ginahasa sa loob ng isang sasakyan ng dalawang lalaki noong bisperas ng Kapaskuhan at ginawa pa siyang prostitute sa United Arab Emirates.

Base sa reklamo ng Pinay na itinago ang pagkakakilanlan, naganap ang pagdukot at panghahalay sa kanya ng mga suspek sa Al Wuhaida area, sa Dubai noong Christmas Eve.

Nabatid na dakong alas-7 ng gabi noong Dis­yembre 24 habang nag-aabang ng masasakyang taxi o bus ang biktima patungong Dubai Sports City nang hintuan siya ng isang kotse na mukhang Asyano ang driver nito.

Inalok umano ng driver ang Pinay na sumakay at ihahatid siya sa mas mababang singil sa pamasahe kaya pumayag ang huli.

Habang nasa daan, may tinawagan umano ang driver sa cellphone at bigla na lang inihinto ang sasakyan. Mabilis na pumasok at sumakay ang dalawang lalaki sa back seat kung saan nakaupo ang biktima at pinagbantaan siya na sasaktan kapag pumalag na makipag-sex.

Sinabi ng Pinay sa pulisya, na nagahasa siya ng dalawang suspek habang tumatakbo ang nasabing sasakyan sa may Al Kahil Road.

Muli umanong inihinto ng driver ang sasakyan at nagpalitan ng puwesto sa isa sa suspek na nakaupo sa backseat at saka ginahasa ng driver ang Pinay.

Matapos ang panghahalay, kinuha pa ng driver at dalawang lalaki ang pera ng Pinay na DH700 at cellphone.

Bandang alas-10 na ng gabi nang marating ng sasakyan ang Abu Hail at tinawag ng driver ang isang babae saka ipinasa ang Pinay. Dinala ang biktima sa isang prostitution den na maraming kababaihan kung saan dito muli siya ginahasa umano ng isa pang kustomer.

Bandang alas-4:45 ng madaling-araw nang tumakas at tumalon ang Pinay sa bakod ng nasabing kasa hanggang sa makalayo sa lugar at magsuplong sa pulisya.

Sa isinagawang ope­rasyon ng pulisya, sinala­kay ang nasabing kasa at apat na babae ang naaresto.

Bumagsak naman sa kamay ng pulisya ang da­lawa sa tatlong suspek na humalay sa Pinay sa sasakyan sa isinagawang follow-up operation.

vuukle comment

ABU HAIL

AL KAHIL ROAD

AL WUHAIDA

BANDANG

CHRISTMAS EVE

DRIVER

DUBAI SPORTS CITY

ISANG PINAY

PINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with