^

Bansa

Welfare homes sa taong-kalye, itatayo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa dumaraming­ bilang ng mga taong kalye na mga walang sari­ling tahanan, isinulong ni Se­nator Miriam Defensor-Santiago ang panukalang batas na naglalayong mag­­tayo ang gobyerno ng mga welfare homes para sa mga ito.

Sa Senate Bill 2509 na inihain ni Santiago, sinabi na may police power ang lehislatura upang magpasa ng batas at mga ordinansa para sa kapaka­nan ng mga mamamayan upang maisulong ang ka­nilang kalusugan, morals, peace, education, good order at maging kaligtasan.

“This power flows from the recognition that salus populi est suprema lex,” ani Santiago.

Sa pagpapatupad ng police power, sinabi ni Santiago na ang gobyerno ay maaaring magpasa ng batas na magbibigay ng ka­pangyarihan upang pa­­kialaman ang personal liberty, property, lawful busi­nesses, at maging tra­baho upang isulong ang kapakanan ng nakararami.

Pero ang pakikialaman umano ay dapat reso­nable at hindi “arbitrary”.

Naniniwala si Santiago na para sa kapakanan na rin ng mas maraming mamamayan kung magkakaroon ng mga welfare homes sa iba’t ibang panig ng bansa upang maialis sa mga lansangan ang mga walang tirahan na ilalagay sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development.

“This Act is an exercise of the police power of the State to promote the general welfare, particularly the welfare of destitute members of society, by providing for the establishment of welfare homes throughout the country under the control and supervision of the Secretary of Social Welfare and Development.

Kapag naging ganap na batas, ang panukala ay tatawaging “Destitute Persons Act” kung saan lahat ng mga walang tira­han at mga namamalimos sa lansangan ay ilalagay sa mga welfare homes.

Nais din ni Santiago na patawan ng parusang pagkabilanggo ng hindi lalampas sa anim na buwan ang mga tatakas o hindi babalik sa welfare homes matapos magpa­alam at mabigong makabalik. (Malou Escudero)

 

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DESTITUTE PERSONS ACT

MALOU ESCUDERO

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SA SENATE BILL

SECRETARY OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

SHY

WELFARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with