^

Bansa

‘New Year Baby’ isinilang sa Fabella

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinanganak ng isang 30-anyos na ginang ang isang malusog na babaeng sanggol isang minuto o 12:01 sa pagpasok ng Enero 1, 2015 sa Dr. Jose Fabella Memorial Medical Center, ang tinaguriang ‘baby factory’, dahil sa halos minu-minutong naitatalang ipinapanganak dito.

Ang nasabing ospital ay matatagpuan sa Felix Huertas St., sa Sta. Cruz, Maynila, malapit sa Central market.

Si Gigi Amparado ng NBBS Navotas City ay pang-41 buntis na dinala sa delivery room ng Fabella Hospital sa petsang Disyembre 31, 2014, bisperas ng Bagong Taon at siya ang ina na nagsilang ng unang sanggol pagpatak ng Enero 1, 2015.

Nabatid na Daniella ang ipapangalan umano ni Amparado sa kanyang sanggol, na ika-apat niyang anak sa mister na isang jeepney driver.

Mahirap na pamilya lamang umano ang Amparado subalit pangarap umano niya na dalawang babae at dalawang lalaki ang kanilang maging anak, na si Daniella ang tugon.

Sinabi ni Lorna Ochoa, supervising nurse ng Fabella Hospital, ang kanilang ospital ay nag-a-average sa 40 hanggang 80 nanganganak kada araw.

Dahil sa idineklarang Yew Year Baby si Daniella, ang Fabella Hospital ay nagbigay na ng libreng serbisyo na sa halip na may hospital bill pang poproblemahin ang nasabing pamilya. (Ludy Bermudo)

 

vuukle comment

AMPARADO

BAGONG TAON

DANIELLA

DR. JOSE FABELLA MEMORIAL MEDICAL CENTER

ENERO

FABELLA HOSPITAL

FELIX HUERTAS ST.

LORNA OCHOA

LUDY BERMUDO

NAVOTAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with