Pinoy inutas sa Las Vegas
MANILA, Philippines – Isang 58-anyos na Pilipino ang nasawi matapos na pagbabarilin ng dating empleyado na nanloob sa isang drugstore sa Las Vegas, Nevada matapos ang araw ng Kapaskuhan. Sa report, kinilala ang biktima na si Antonio “Tony” Isnit, empleyado ng Walgreens Drugstore na matatagpuan sa 8500 W. Cheyenne Ave, malapit sa Rampart Boulevard. Siya ay nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan at idineklarang dead-on-the-spot. Matapos ang pamamaril, mabilis na nakilala at naaresto ng Las Vegas Police ang suspect na si Jin Ackerman, 25-anyos, dating assistant manager ng naturang drugstore at nakasama sa trabaho ni Isnit. Nabatid na nagtrabaho ang suspek at nakasama ni Isnit sa Walgreens drugstore noong Oktubre 2011 at muling sinibak sa trabaho sa isa pang Walgreens noong Hulyo 2013 dahil sa walang pahintulot na paggamit ng computer kung saan nakalagay ang files ng mga empleyado.
- Latest



















