^

Bansa

Tulong ng barangay, hirit vs illegal firecrackers

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi lahat ng lugar ay mababantayan ng kapulisan laban sa mga gagamit ng ipinagbabawal na paputok o magpapaputok ng baril sa pagselebra ng Bagong Taon,  kaya naman nana­wagan si Quezon City Police District (QCPD) Director Police Senior Superintendent Joel D. Pagdilao sa mga  opisyales ng barangay na tulungan sila sa kampanya para masugpo ito.

Ayon kay Pagdilao, inatasan na niya ang 12 police station comman­ders na makipag-ugnayan sa mga barangay officials para gumawa ng hakbang hindi lamang para mapigilan kundi madakip ang mga nagbebenta ng iligal na paputok at magpapaputok ng kanilang mga baril sa pagsalubong sa bagong taon.

Sabi ng opisyal, habang tinutukoy ng tropa ang mga nagbebenta ng iligal na paputok sa barangay, malaki rin anya ang ma­itutulong sa mga opis­yales ng barangay na tukuyin ang mga lugar na tinaguriang firecraker zones sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Hinikayat din ni Pagdilao ang mga opisyales ng barangay at publiko na i-tip sa kanila kung sino sa mga residente ang nagpaputok ng baril sa naturang pagdiriwang.

Ang sinumang nagnanais, sabi pa ni Pagdilao na magsumbong ay maaaring tumawag o mag-report sa PNP Hotline 117 o QCPD Tactical Operations Center at cellphone # 0917-9416955 o landline: 925-8417 / 474-3106 o sa malapit na police station para sa agarang aksyon.

AYON

BAGONG TAON

DIRECTOR POLICE SENIOR SUPERINTENDENT JOEL D

HINIKAYAT

PAGDILAO

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SABI

TACTICAL OPERATIONS CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with