^

Bansa

PNoy at Joma mag-uusap

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malamang umanong magkita at magpulong sina Pangulong Benigno Aquino III at ang lider komunistang si Jose Maria Sison kaugnay ng inaasahang pagbubukas muli ng usapang pangkapa­yapaan ng pamahalaan at ng mga rebeldeng maka-Kaliwa.

Ito ang nahiwatigan sa pahayag kahapon ng Malakanyang kaugnay ng nadiskaril na negosa­syong pangkapa­yapaan ng pamahalaan at ng National Democratic Front.

Ang NDF ang legal front organization ng Communist Party of The Philippines at ng armadong sangay nitong New People’s Army.  Si Sison ang founding chairman ng CPP at consultant ng NDF sa usapang pangkapayapaan.

Iginiit ng Malacañang na maraming posibilidad na mangyari kaugnay sa muling pakikipag-usap ng gobyerno sa National Democratic Front (NDF) upang ituloy ang naudlot nilang usapang pangkapayapaan pero tumangging magkomento ito sa posibilidad na magpulong sina Pangulong Aquino at Sison.

Hindi nabanggit sa pahayag kung kailan at saan mag-uusap ang Punong Ehekutibo at ang lider ng mga rebeldeng komunista.

“Ayon kay Kalihim Teresita Quintos Deles, maraming posibilidad kung magiging bukas ang magkabilang panig at mapagkakasunduan ang muling pagbubukas ng pormal na negosasyon,” sabi ni PCOO Secretary Herminio Coloma Jr..

Naunang inihayag ni Sison na malaki ang posibilidad na makapag-usap sila ni Pangulong Aquino kaugnay ng nilulutong usapang pangkapa­yapaan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng NDF-CPP-NPA.

 “Si Kalihim Teresita ‘Ging’ Deles, ang naatasan na magsagawa ng nararapat na hakbang upang itaguyod ang prosesong pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines—New People’s Army—National Democratic Front),” dagdag pa ni  Coloma.

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

JOSE MARIA SISON

KALIHIM TERESITA QUINTOS DELES

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

NEW PEOPLE

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PUNONG EHEKUTIBO

SECRETARY HERMINIO COLOMA JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with