^

Bansa

Sec. Soliman, handang magbitiw sa puwesto

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinabi ni Social Welfare and  Development Secretary Dinky Soliman na handa siyang magbitiw sa kanyang puwesto oras na iutos ito ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ang pahayag ay ginawa ni Soliman sa panawagan ng womens group na Gabriela at ng ABAKADA party­list kasunod ng report ng Commision on Audit (COA) na marami ang nakakuha ng  cash bene­fits pero hindi naman kabilang sa mahirap na pamilyang  Pilipino.

Aniya, para patotohanan na walang naganap na anomalya sa proyektong ito ng ahensiya ay nakahanda siyang humarap sa anumang imbestigasyon.

Binigyang diin ni Soliman na kung nakakaapekto na sa ahensiya ang mga ginagawa at sa tingin ng Malakanyang ay dapat nang lisanin ang puwesto ay agad niya itong gagawin.

Una nang nanindihan si Soliman na ang mahigit sa 364,000 beneficiaries ng Conditional Cash Transfer (CCT) program ng gobyerno na iniulat ng COA na nawawala sa  database entries ay pawang accounted ng ahensiya.

Ang 256,663 na mga beneficiaries ay wala sa National Housing Targeting System (NHTS) database dahil bahagi sila ng modified CCT program ng ahensiya na ang sakop nitong mga pamilya ay  nasa kalsada na walang bahay at mga indigenous people. 

ANIYA

BINIGYANG

CONDITIONAL CASH TRANSFER

DEVELOPMENT SECRETARY DINKY SOLIMAN

NATIONAL HOUSING TARGETING SYSTEM

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SOCIAL WELFARE

SOLIMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with