Ombudsman supalpal sa CA sa maling parusa
MANILA, Philippines - Sinopla ng Court of Appeals (CA) ang Office of the Ombudsman kaugnay sa pagpapataw ng maling parusa sa isang senior officer ng Land Transportation Office (LTO) hinggil sa kasong iligal na paglilipat ng ‘ownership’ ng sasakyan noong 2005.
Iginiit sa desisyon ng CA 10th Division, na hindi dapat 6 na buwan ang ipinataw na suspensiyon order laban kay Edgardo Chan, Senior Transportion Regulation Officer ng LTO dahil maituturing lamang umano ang kasalanan nito na simple neglect of duty.
Alinsunod ito umano sa “|Section 49 (B) of the Revised Uniform Rules on Administrative Case in the Civil Service stating that “the medium period of the penalty shall be imposed when there are no mitigating and aggravating circumstances.”
Sa 11-pahinang desisyon, sa halip na 6 na buwang suspensiyon, inutos ng CA na 3 buwang suspension lamang na walang sweldo ang kakaharaping parusa ni Chan.
Si Chan, Araceli Alicia Rapada at Maximo de Guzman ay kinasuhan sa Ombudsman ng isang Beatriz Lim Rubio kaugnay umano sa pandaraya o fraudulent transfer of ownership ng sasakyan nito na isang Isuzu Hi-Lander (XCE 339) na napunta sa pag-aari ni Rapada.
Umapela si Chan sa CA sa naging desisyon ng Ombudsman na 6 na buwang suspensiyon sa serbisyo. (Ludy Bermudo)
- Latest