De Lima uupo sa Comelec?
MANILA, Philippines – May ilang empleyado ang nanghihinayang kay Department of Justice Secretary Leila de Lima sa umano’y bagong puwestong uupuan nito sa administrasyon ni PNoy oras na magretiro si Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., dahil nababalita at lumalakas ang ugong-ugong na ang una ang iuupo bilang kapalit nang magreretirong chairman sa Pebrero 2015.
Ayon sa reliable source, mas bagay at kabisado ni Sec. de Lima ang Comelec dahil matagal itong nanilbihan bilang election lawyer sa nasabing lugar noong hindi pa siya itinatalaga sa gobyerno.
Sinasabing isang Atty. Benjamin Caguioa, Presidential Legal Adviser or counsel ang maaring pumalit sa puwesto ni de Lima sa DOJ kapag ang huli ang naging Comelec chief.
Ayon sa source, si Caguioa ay Ateneo boy at diumano’y classmate ni PNoy sa nasabing kolehiyo.
Sabi ng source, bukod kay Brillantes dalawa pang Comelec deputy commissioners ang magreretiro din sa Pebrero 2015 na sina Lucenito Tagle at Elias Yusoph.
- Latest