2 pang bagyo ngayong Dis.
MANILA, Philippines – Dalawa pang bagyo ang maaring bumisita sa bansa ngayong buwan, ayon sa PAGASA.
Pangkaraniwan na anya na 18 hanggang 20 bagyo ang pumapasok kada taon.
Ang susunod na bagyo na papangalanang “Seniang” ang ika-19 na maaring makaapekto sa bansa.
Sinabi ni Aldczar Aurelio, weather forecaster ng Pagasa, sa mga susunod na tatlong araw, mananatiling storm free ang bansa dahil wala pa anyang nakikitang senyales ng namumuong sama ng panahon malapit sa Philippine Area of Responsibility na maaring mabuo bilang bagyo.
- Latest