^

Bansa

Pinsala ni Ruby sa agri, P1.9-B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot na sa P1,912,853,060 bilyong halaga ang nasalanta ng bagyong Ruby sa agrikultura.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) information office, sa naturang halaga ay P1,545,287,390 ang nasira sa pataniman ng palay, P51,707,874 sa mais at sa high value crops ay umabot sa P 226,423,297.

Umabot naman sa P48,224,665 milyon ang napinsala sa pangisdaan at P6,458,820 milyon sa hayupan.

Ang naturang halaga ng pinsala ay mula sa ginawang pag-iikot ng DA sa mga naapektuhan ng bagyo sa Regions 4A, 4B at Regions  5,6 at 8.

Sinasabing may naihanda ng mga punla ang ahensiya para ipamigay sa mga nasalantang pataniman gayundin ng mga figerlings sa naapektuhang pangisdaan.

Patuloy ang monitoring ng DA sa naturang mga lalawigan upang malaman kung ano pa ang ma­aaring maipagkaloob na ayuda sa mga magsasaka at ma­ngingisda sa mga nasalantang lugar upang ma­tulungan ang mga itong makabangon mula sa pagkalugi.

 

AYON

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

HALAGA

NATURANG

PATULOY

SHY

SINASABING

UMABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with