^

Bansa

Bagong sama ng panahon namataan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi pa man tuluyang nakakaalis ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Ruby ay isa na namang sama ng panahon ang namataan ng Philippine Atmos­pheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon ng umaga.

Ayon kay Jori Lois, weather specialist ng PAGASA, ang naturang low pressure area (LPA) ay namataan nila sa la­yong 2,000 kilometers silangan ng Mindanao at inaasahang magiging bagyo oras na  pumasok sa PAR sa mga susunod na araw. Malamang an­yang ito na  ang isa pang bagyo na inaasahang pumasok sa PAR ngayong buwan ng Disyembre.

Kahapon ng umaga, si Ruby ay naging isa na lamang tropical depression at namataang nasa layong 80 kilometro timog kanluran ng Ambulong, Tanauan City, Batangas. Ito ay kumikilos pakanluran sa bilis na 13 kilometro kada oras. Inaasahan ng PagAsa na lalabas ng PAR si Ruby ngayong gabi ng Miyerkules.

AMBULONG

AYON

BATANGAS

DISYEMBRE

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

INAASAHAN

JORI LOIS

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PHILIPPINE ATMOS

TANAUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with