SK elections sa 2016 na
MANILA, Philippines – Hindi na matutuloy ang Sangguniang Kabataan (SK) elections sa susunod na taon.
Ito’y matapos aprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang postponement ng SK elections na nakatakda sana sa Pebrero 2015.
Halos 200 kongresista ang bumoto ng pabor sa House bill 5209 na inisponsoran ni House Committee on Suffrage and Electoral Reforms chairman Fredinil Castro.
Itinatakda ng pinagtibay na panukala na ang SK elections ay isasabay sa Barangay Elections sa Oktubre 2016.
Ito’y para magkaroon ng dagdag na panahon upang ilatag ang reporma sa SK para hindi na ito maging breeding ground umano ng mga nagiging tiwaling opisyal ng gobyerno.
- Latest